Senate slate ng Makabayan Bloc, inanunsyo na

Kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day, inanunsyon ng mga miyembro ng Makabayan Bloc ang pambato nila sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Unang nagtipon-tipon ang nasabing grupo sa Liwasan, Bonifacio para magkasa ng programa.

Isa-isang inanunsyo ang mga pangalan na kabilang sa senatorial line-up na kinabibilangan nina Gabriel Party-list Rep. Arlene Brosas; Teddy Casiño ng Bayan Muna; Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno (KMU); Liza Maza na dating Gabriela Party-list at Mody Floranda ang PISTON National President.


Kabilang din sa listahan ng Makabayam Bloc sina ACT Rep. France Castro; Ronnel Arambulo na representante ng Manginsida; Danilo Ramos sa sector ng Magsasaka; Joseline Andamo – SecGen. ng Filipino Nurses United at Mimi Doringo ang Chairperson ng Kadamay.

Naniniwala ang grupo na sa binuo nilang listahan sa pagka-senador ay may kakayahan na makakuha ng panalo lalo na’t kinakatawan nila ang mga sektor sa lipunan.

Facebook Comments