Senate, tatalakayin ang Obamacare

World – Lusot sa U.S. Senate ang panukalang buksan muli ang debate ukol sa pagre-repeal sa affordable care act o mas kilala bilang Obamacare.

Matapos kasing mag-deadlock sa 50-50 ang boto, lumamang ito ng isa pabor sa muling pag-dedebate matapos bumoto pabor dito si Vice President Mike Pence.

Labis naman itong ikunatuwa ni Pres. Donald Trump.
Maliit man ang lamang, itinuring niya itong “big step” lalo pa’t kasama ito sa mga ipinangako niya noong kampanya.


Facebook Comments