Senate version ng 2022 national budget, garantisadong tutugon sa COVID-19 pandemic

Ginarantiyahan ni Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara na magiging prayoridad sa bersyon ng Senado ng 2022 national budget ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Tiniyak ni Angara na hahanapan nila ng paraan ang mga kakulangan para sa COVID response sa proposed 2022 budget na isinumite ng Malacañang.

Sa pagtalakay sa P248.5 billion na 2022 proposed budget para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ay sinabi ni Secretary Eduardo Año na plano nilang kumuha ng 25,000 contact tracers sa susunod na taon pero ang problema ay wala namang inilaang pondo para dito.


Nangako naman si Angara kay Secretary Año na hahanapan ng Senado ng pondo ang budget para sa contact tracing sa 2022 katulad ng kanilang ginawa ngayon taon.

Bukod dito ay tinukoy ni Angara na kanilang reresolbahin ang kawalan sa 2022 budget ng alokasyon para sa testing kaugnay sa booster shot at testing para sa pagbabakuna sa 12 hanggang 17 anyos.

Napuna rin ng mga Senador ang kawalan ng pondo para sa Special Risk Allowance ng mga health worker.

Facebook Comments