Senate version ng “Better Normal Bill”, nakatakdang dinggin sa Senado

Nakatakdang pag-aralan ngayong araw sa Senado ang senate version ng House Bill No. 6864 o mas kilala sa tawag na “Better Normal Bill” na akda ni Three Term Senator, Deputy Speaker at Antique Lone District Representative Loren Legarda.

Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Senator Legarda na layon ng nasabing panukalang batas na magtakda ng mga safety measures at protocols sa mga workplace, komunidad at pampublikong lugar lalo na ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa.

Binigyan-diin ni Legarda na kahit may COVID-19 vaccine na sa bansa, mahalaga pa rin na magkaroon ng mga safety measures at health protocols upang hindi magkaroon ng 2nd at 3rd wave ng virus.


Bukod sa mandatory health and safety measures at protocols, itinatakda rin sa panukalang batas ang pagkakaroon ng climate-resilient, maayos na public transportation para sa better normal, e-governance na makakatulong sa pag-iwas sa virus.

Facebook Comments