Senator Angara, boto kay Finance Usec. Karl Chua para mamuno sa NEDA

Suportado ni Senator Sonny Angara ang pagpili kay Finance Under Secretary Karl Kendrick Chua para maging Acting Socioeconomic Planning Secretary.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni National Economic and Development Authority o NEDA  Chief Ernesto Pernia.

Ayon kay Angara, naka-trabaho na niya si Chua at nakita niyang ito ay matalino at may integridad.


Para kay Angara, sapat na ang apat na taon ni Chua sa Department of Finance para magampanang mabuti ang bagong tungkulin.

Diin pa ni Angara, kapuri-puring katangian ni Chua ang pagiging masipag, mabilis umaksyon at ang bawat hakbang ay may basehan.

Facebook Comments