Senator Angara, muling nag-positibo sa COVID-19

Ini-anunsyo ngayon ni Senator Sonny Angara na siya ay muling nag-positibo sa COVID-19 matapos ang halos isang buwan simula ng sya ay gumaling.

Ayon kay Angara, magdo-donate sana uli siya ng plasma sa ikalawang pagkakataon pero lumabas sa kaniyang initial anti-body test at swab test na positibo muli sya sa virus.

Ayon kay Angara, negatibo naman sa test ang kaniyang misis kaya posible ang sinabi ng kaniyang mga doktor na hindi na sya nakakahawa at ang resulta ay base na lang sa mga natira o naiwan ng virus.


Kaugnay nito ay muling sasailalim si Angara sa quarantine para maroteksyunan ang kanyang pamilya at mga kasama sa bahay. Ayon kay Angara, ang lahat ay walang kasiguraduhan kaya nagdesisyon sya na huwag ng dumalo sa pagbubukas ng session ng senado sa Lunes, May 4.

Tiniyak naman ni Angara ang aktibong partisipasyon nya sa Senate proceedings sa pamamagitan ng teleconferencing at nangako din syang patuloy na magtatrabaho kahit nasa isolation sa kaniyang tahanan.

Muli ay nagpasalamat si Angara sa lahat ng frontliners, lalo na sa mga healthcare workers gayundin sa mga nagdadasal para sa kanyang paggaling.

Pinayuhan din ni Angara ang lahat na sumunod sa quarantine rules at mga pag-iingat laban sa virus tulad ng safe distancing, paghuhugas ng kamay, at pagsusuot ng masks.

Tiwala si Angara na sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, pagkakaisa at pagtutulungan ay malalampasin natin ang krisis ngayon dulot ng COVID-19.

Facebook Comments