Senator Angara, naka-confine na ospital

151

Kinumpirma ng tanggapan ni Senador Sonny Angara na simula nitong linggo ay naka-confine na ito sa ospital.

Ito ay upang mabigyan ang senador ng mas maayos na atensyong medikal kaugnay sa pagiging positibo nito sa COVID-19.


Ayon sa kanyang media relations officer, mas maayos na ang kondisyon ni Angara ngayon kung saan nakakaranas na lang ito ng konting ubo.

Wala na, aniya, ang iba pang sintomas ng COVID-19 tulad ng sore throat, bahagyang lagnat at pananakit ng katawan.

Bilang bahagi ng SOP sa mga COVID-19 patient ay inaasahang isasailalim uli sa test si Angara upang malaman kung wala na ang virus na taglay nito.

Facebook Comments