Pinamamadali rin ni Senator Sonny Angara ang pagbibigay ng subsidy sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon.
Diin ni Angara, kailangan ng mga Public Utility Vehicle o PUV drivers ng tulong ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Bilang chairman ng Senate Committee on Finance ay sinabi ni Angara na nakapaloob sa pambansang budget ngayong taon ang 3-bilyong pisong pondo para sa pagbibigay ng fuel subsidy.
Ayon kay Angara, ang 2.5 billion pesos nito ay para sa transport sector na ibibigay kapag umabot o lumagpas sa 80 dolyar ang average na presyo kada bariles ng Dubai crude oil.
Binanggit ni Angara na ang 500 milyon pesos naman ay para sa fuel subsidy sa mga mangingisda at magsasaka.
Facebook Comments