Iginiit ni Senator Sonny Angara na sadyang naging masalimuot ang taong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic na bumago sa takbo ng buhay ng bawat isa.
Binanggit din ni Angara ang mga nagdaang bagyo na lalo nagpahirap sa ating mga kababayan.
Ngayong Pasko ay nagpahayag ng buong pag-asa si Angara na sa susunod na taon ay unti-unti ng babalik sa normal ang ating pang-araw-araw na buhay.
Tinukoy ni Angara na nagsisimula ng magbukas ang mga negosyo at ang publiko, kahit papaano ay nagiging komportable ng lumabas sa kanilang mga tahanan.
Binigyang-diin pa ni Angara ang napipintong distribusyon ng bakuna sa COVID-19 sa susunod na taon.
Higit sa lahat ay pinuri ni Angara ang pagiging matatag ng mga Pilipino na palaging nagsisikap ngumit o maging masaya sa kabila ng matitinding pagsubok na kinakaharap.