Manila, Philippines – Umaasa si senator Sonny Angara na makakatulong si Presidential Spokesman Harry Roque para patatagin ang posisyon ng Duterte administration sa mga international laws.
Ipinunto ni Angara na malaking factor ang pagiging public international law professor ni Roque sa University of the Philippines.
Diin ni Angara, mahalaga sa pag-usad ng bansa ang mga umiiral na international laws.
Ipinaliwanag ni Angara na lumalalim na kasi ang koneksyon o pagkaka-ugnay sa mga international laws ng mga polisiyang umiiral sa ating bansa.
Angara on Roque’s appointment:
I think it strengthens the Duterte administration in terms of international law since (former) Cong. Harry is or was a professor at UP.
It gives them a deeper bench in this regard and this is quite important going forward, with domestic policies becoming increasingly intertwined with international affairs.