Senator Antonio Trillanes, tinawag ng Pangulo na duwag

Manila, Philippines – ‘Duwag’

Ito ang tawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Antionio Trillanes.

Inungkat ng Pangulo ang pambabastos ng senador kay dating AFP Chief of Staff General Angelo Reyes.


Iniutos ngayon ng Pangulo sa mga sundalo na sagutin nila si Trillanes kapag minamaliit sila.

Samantala, sa isang pahayag sinabi ni Trillanes na nagkakaroon na ng ‘meltdown’ o problema sa pag-iisip ang Pangulo at wala na itong psychological capacity para pamunuan ang bansa.

Dagdag pa ng senador, kinakailangang ipasuri sa psychiatrist ang Pangulo.

Payo pa nito sa mga Presidential Security Group, alisin sa Pangulo ang dala nitong baril bago pa siya makasakit ng ibang inosenteng tao o maging ang kanyang sarili.

Facebook Comments