Senator at Congresswoman Villar, nagbigay ng hygiene kit, pagkain at matitirhan ng Health Workers ng Las Piñas General Hospital

212

Pansamantalang magagamit ng mga Health Workers ng Las Piñas General Hospital o LPGH  ang tatlong palapag na gusali na ipinagawa ng pamilya Villar sa Barangay Ilaya, Las Piñas City.

Sasagutin din ng Villar Family ang pang araw-araw na pagkain ng Las Piñas General Hospital Staff.


Nauna nang nag-donate ang Villar Family ng disinfecting apparatus, 200,000 na face masks at drinking water sa siyam na government hospitals.

Bukod dito ay namahagi naman si Congresswoman Camille Villar ng mga face mask at hygiene kit na may lamang sabon, galon-galong sanitizer at alcohol.

Kabilang sa mga binigyan ay mga Health Workers sa 32 Barangay Health Centers sa Lungsod at mga osptial na kinabibilangan ng LPGH, Perpetual Help Las Piñas, Pope John Paul Hospital at Las Piñas Doctors Hospital.

Facebook Comments