Senator Bam, humiling ng respeto para sa karapatan ng taumbayan na pumili ng dapat lider

Manila, Philippines – Nanawagan si Liberal Party o LP Senator Bam Aquino sa administrasyong Duterte na igalang ang karapatan ng taumbayan na pumili ng susunod na lider sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

 

Ang apela ni Aquino ay sa harap ng plano ng adminstrasyon na ipagpaliban ang barangay eleksiyon sa Oktubre.

 

Kapag natupad ang nasabing plano ay itatalaga na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong opisyal ng barangay.

 

Giit ni Senator Bam, ang barangay elections ay bahagi ng umiiral na demokrasya sa bansa.

 

Idinagdag pa ni Aquino na masasayang lang ang repormang ipinaglaban ng mga mambabatas sa Republic Act No. 10742 o ang SK Reform Act kung ipagpapaliban muli ang SK elections.



Facebook Comments