
Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na panindigan ang tapang nya para harapin ang mga kaso sa International Criminal Court (ICC).
Pahayag ito ni Cendaña kasunod ng balitang na may inilabas na umanong warrant of arrest ang ICC laban kay Senator Bato.
Diin ni Cendaña, darating at darating ang paniningil ng katarungan sa mga nagnakaw at umutang ng dugo at buhay ng libo-libo nating mga kababayan, na karamihan ay mahihirap.
Ang warrant of arrest ay kaugnay umano sa kasong isinampa ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa ICC para sa libo-libong nasawi sa gera kontra ilegal na droga na ikinasa ng Duterte Administration.
Facebook Comments









