Tutol ang Presidential aspirant na si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa petisyong kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ng katunggali nito sa pagkapangulo na si dating Senator Bongbong Marcos.
Ayon kay Dela Rosa, hindi dapat ipagkait kay Marcos ang tiyansa na kumandidato sa pagkapangulo sa 2022 Elections.
Sa halip na maghain ng petisyon, makakabuti aniya na ipakita na lang ng mga kritiko ng dating senator ang inis nila sa pamamagitan ng hindi pagboto sa kanya.
Aniya, hindi rin magandang manalo na ‘by default’ dahil lang na-disqualify ang ibang kandidato sa presidential race.
Pero gayunpaman, nilinaw ni Dela Rosa na hindi niya isinasantabi ang petisyon kung mayroong batas na kailangang ipatupad na may kaugnayan dito.
Facebook Comments