Senator Bato, may napili ng presidential candidate na susuportahan sakaling walang i-endorso ang pangulo

Inamin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may susuportahan na siyang kandidato sa pagkapangulo oras na walang i-endorso si Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, tumanggi muna si Dela Rosa na pangalanan ang nais niyang presidential candidate na isang lalaki.

Ayon kay Dela Rosa, hihintayin muna niya ang pasya ng Pangulo Duterte kung mag-eendorso ito o hindi ng kandidato sa pagkapangulo.


Samantala, nilinaw naman ni Dela Rosa na committed na siya kay vice presidential candidate Mayor Sara Duterte.

Ginawa ni Dela Rosa ang paglilinaw kasunod ng kanyang birthday wish na sana ay manalo sa eleksyon ang mga kasamahan sa Senado na sina Senator Panfilo “Ping” Lacson at katandem na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Paliwanag ni Dela Rosa, batid niyang mababait Lacson at Sotto na parehong may magandang hangarin na makapaglingkod sa sambayang Pilipino kaya kung pwede lang sana manalo silang lahat pero isa lang naman ang magwawagi sa eleksyon.

Facebook Comments