Senator Binay, ikinagulat ang pagkakaroon niya ng illegal campaign posters

Manila, Philippines – Ikinagulat ni Senator Nancy Binay na napasama siya sa listahan ng mga kandidato na may illegal campaign posters na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC)

Ayon kay Binay nakakasama ng loob dahil wala pa naman syang mga tarpaulin at posters na inilalabas.

Sabi ni Binay ang nag iisa niyang billboard na hindi naman siya ang nagpagawa ay inalis na bago ang deadline ng COMELEC.


Sa katunayan, ayon kay Binay, siya pa ang umaapela sa social media sa mga kandidato na sumunod sa patakaran ng COMELEC pagdating sa tamang laki ng mga posters at kung saan ito dapat ikabit.

Tanong ni Sen. Binay sa COMELEC, bakit yaong mga kandidato na nagkalat ang mukha sa buong Pilipinas ay wala sa listahan ng mga violators ng campaign materials.

Facebook Comments