Senator Binay, interesadong tumakbo sa lokal na posisyon sa Makati sa 2025

Inihayag ni Senator Nancy Binay ang interes niyang tumakbo sa lokal na posisyon ngayong patapos na ang kanyang termino sa Senado.

Ayon kay Binay, nasa 50% na ang kanyang option na tumakbo sa lokal na posisyon sa 2025.

Kinumpirma rin ng senadora na sa lungsod ng Makati siya tatakbo lalo’t patapos na rin ang termino ng kanyang kapatid na si Makati Mayor Abby Binay.


Aniya pa, malabong tumakbo siya sa Taguig dahil siya ay taga-District 1 at hindi naman taga-District 2 tulad ni Mayor Abby.

Bagama’t hindi direktang binanggit ay posibleng alkalde ang takbuhing posisyon ni Senator Binay dahil hindi aniya option para sa kanya ang pagiging kongresista dahil nasubukan na niyang maging bahagi ng Legislative Department sa mahabang panahon.

Facebook Comments