Senator Binay, nag-self quarantine matapos direktang makahalubilo si Senator Zubiri

Katulad ni Senator Sherwin Gatchalian ay nagpasya si Senator Nancy Binay na mag-self quarantine rin matapos magkaroon ng direktang pakikihalubilo kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na muling nagpositibo sa COVID-19 swab test.

Si Binay, katulad ni Gatchalian ay nakasabay rin mag-lunch ni Senator Zubiri kahapon sa Senado.

17 sa mga senador ang physically present kahapon sa pagbubukas ng session na nakasama ni Zubiri.


Pero sabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ayon sa mga doktor na kanyang nakausap ay wala silang dapat ipag-alala dahil wala naman silang direktang exposure kay Senator Zubiri at nakasuot din sila ng mask at face shield sa session hall kahapon.

Si Senator Panfilo “Ping” Lacson, ay hindi na rin magsi-self quarantine dahil wala siyang naging direktang contact kay Senator Zubiri.

Sa katunayan, katulad ni SP Sotto ay plano ni Lacson na physically present siya sa session mamayang hapon.

Naka-antabay naman si Senator Zubiri sa resulta ng panibagong swab test niya at umaasa na ito ay negatibo dahil posibleng remnants na lang ito ng COVID-19 na tumama sa kanya noong Marso kung saan siya ay gumaling na at hanggang ngayon ay walang nararamdaman na anumang sintomas.

Facebook Comments