Senator Bong Go, dumagdag pa sa mga humihirit na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase

Bukod kina Senators Win Gatchalian at Francis Tolentino ay umaapela rin si Committee on Health Chairman Senator Bong Go sa Executive branch na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase habang wala pang bakuna sa COVID-19.

Ngayong August 24 nakatakda ang class opening pero giit ni Go, hindi dapat isugal ang buhay at kaligtasan ng mga kabataan at mga guro.

Mungkahi ni Go, i-atras sa October 2020 ang simula ng pasukan para mas makapaghanda pa ang mga mag-aaral, guro, learning institutions at Department of Education (DepEd).


Sa tingin ni Go, kailangan ng dagdag na oras para ma-plantsa at maayos ng mabuti ng DepEd ang lahat ng mga plano sa pagsasagawa ng flexible o blended learning.

Giit ni Go, dapat tiyaking magiging maayos ang implementasyon nito para hindi na madagdagan ang paghihirap ng publiko ngayong may pandemya.

Facebook Comments