Senator Bong Go, haharap sa pagdinig ng drug war ng Blue Ribbon Committee

Haharap din sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa war on drugs si Senator Christopher “Bong” Go.

Ayon kay Go, nais nila gayundin ng taumbayan na malaman ang katotohanan sa idaraos na imbestigasyon ngayong araw.

Sinabi ng mambabatas na kapag lumabas na ang totoo ay tiyak na makapo-focus na sila sa trabaho lalo ngayon na marami ang nasalanta ng bagyo na nangangailangan ng tulong.


Iginiit ni Go na ang tanging interes niya sa pagdinig ay transparency at accountability partikular sa pagtugon sa mga social issues sa kampanya kontra iligal na droga.

Tiniyak ng mambabatas ang pagiging patas sa imbestigasyon at sesentro lamang ang pagdinig sa factual information o sa katotohanan lamang.

Facebook Comments