Senator Bong Go, handang paimbestigahan ang anomalya sa Sea Games

Handa si Senate Committee on Sports Chairperson, Sen. Bong Go na paimbestigahan ang mga anomalya sa 30th South East Asian Games.

Ito ay kasunod ng mga naranasang aberya ng ilang atleta pagdating sa Transportation, Food at Hotel Accomodation.

Sa kanyang Privilege Speech sa Senado, tanong ni Go, bakit pa nangyayari ang mga ganitong problema kung sinasabi na ng Philippine Sea Games Organizing Committee na nasa 90% nang tapos ang kanilang preparasyon mula nitong Oktubre.


Magsilbi rin paalala ito sa Philippine Sports Commission (PSC) at sa lahat ng Organizing Teams ng Sea Games na sangkot mula sa planning at execution nito.

Lahat aniya ng imbestigasyon ay pwedeng gawin pagkatapos ng Sea Games at hindi sa panahong kailangan ng suporta ng mga atleta.

Sa kabila nito, nanawagan si go sa lahat na iwasan muna ang sisihan at pagtuunan muna ng pansin ang pagkakaisa upang hindi makaapekto sa morale ng mga atleta.

Facebook Comments