Hinimok ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pamahalaan na ipagpatuloy ang paggiit sa interes ng Pilipinas kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal na kinasangkutan ng Chinese Coast Guard.
Ayon kay Go, ang Pilipinas ay para sa Pilipinas kaya mahalagang ipaglaban natin ang ating karapatan sa bawat parte ng ating bayan sa tama at mapayapang paraan.
Una nang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng matinding pag-aalala sa nangyaring insidente sa Ayungin Shoal kamakailan sa kanyang pagsasalita sa ASEAN-China Special Summit para gunitain ang 30th Anniversary of Dialogue Relations.
Sa video conference, nanawagan ang pangulo sa lahat na pigilin ang sarili at iwasang palalain ang tensyon.
Sinegundahan ito ni Senador Go sa pagsasabing ang insidente sa Ayungin Shoal ay maituturing na oportunidad sa lahat na tinukoy niya bilang “responsible members of the international community,” na tuparin ang kanilang mga pangako at responsibilidad sa ilalim ng international law.