Senator Bong Go, nakahanap ng mga kakampi sa Kamara kaugnay sa hospital expansion bills

Kinampihan nila Majority Floor Leader Martin Romualdez at Appropriations Chairman Eric Yap si Senator Bong Go kaugnay sa renationalization ng ilang mga ospital sa probinsya.

Matatandaan na nagkaroon ng pagtatalo sa hospital expansion bills sina Go at Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ayon kay Yap, na siyang caretaker ngayon sa Benguet, hindi naman dahil devolved na ang health services sa mga Local Government Units (LGU) ay hindi na ito magagawan ng paraan.


Paliwanag ng kongresista na may legislative process at nasa kapangyarihan ng Kongreso na mag-amyenda ng batas.

Umaapela naman si Yap sa Senado na agad aprubahan ang Benguet General Hospital Renationalization Bill na hindi lang mga taga-Benguet ang makikinabang kundi kasama ang mga probinsya sa Cordillera Region.

Ang mag-asawang Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ay kabilang sa mga principal authors ng twin bills na nakabinbin sa Senado, ang panukala para sa dagdag na bed capacities ng Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa Tacloban City at Schistosomiasis Hospital sa Palo, Leyte.

Facebook Comments