Senator Bong Go namahagi ng tulong sa mga residente sa Pandi, Bulacan

Namahagi ng tulong ang team ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga residente sa Pandi, Bulacan na naapektuhan ng limitasyon sa ekonomiya dahil sa pandemya ng COVID-19.

 

Ginanap ang serye ng aktibidad sa Mamerto C. Bernardo Memorial Central School, Pandi Sports Complex, Bunsuran Covered Court at San Roque Covered Court.

 

Ang aabot sa 3,172 na benepisyaryo ay pinagkalooban ng meals, food packs, vitamins, face masks at face shields.


 

May mga tumanggap din ng sapatos at bisikleta at computer tablets para magamit ng mga bata sa blended learning.

 

May mga kinatawan mula sa DSWD na namahaggi ng cash assistance sa 1,600 na beneficiaries sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis program.

 

Habang nasa 1,572 beneficiaries ang nabigyan ng financial grants sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

 

“Layunin po ng SLP na bigyan ng kaukulang suporta upang makapagsimulang magkaroon ng sariling hanapbuhay ang mga kababayan nating mahihirap. Hindi lahat maaaring makapaghanap ng trabaho lalo na ngayon na dahan-dahan pang bumabalik ang sigla ng ating ekonomiya,” paliwanag ni Go.

 

Pinayuhan ni Go ang mga residente na lumapit sa Malasakit Center na matatagpuan sa Bulacan Medical Center at sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital kung sila ay nangangailangan ng tulong – medikal.

 

Ito ay one-stop shop para sa mga indigent patients kung saan maaring lapitan ang DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

 

“Batas ito na aking isinulong at naipasa nitong 18th Congress. Mayro’n na tayo ngayong 102 Malasakit Centers sa buong Pilipinas,” sinabi ni Go.

 

Ayon sa isa sa mga benepisyaryo na si Leonora Ong, 59-anyos, at isang cancer patient, malaking tulong para sa kaniya aat kaniyang pamilya ang ayuda na natanggap mula kay Go at sa DSWD.

 

Nangako itong gagamitin ang tulong para makapag-umpisa ng maliit na negosyo.

 

“Ako po ay may sakit na cancer stage 2. Nagpapasalamat ako kay Senator Bong Go dahil sa tulong niya sa akin. Masigla at nabuhayan ang puso ko dahil napakabait ni Senator. Kahit sobrang busy siya, nagawa niya pa kaming tulungan,” ayon kay Ong.

 

Isa rin sa mga nakinabanga ay si Teresa Zara, 65 anyos at walang trabaho.

 

“Wala po akong trabaho dahil may edad na ako at patay na din asawa ko. Simula ng nagkapandemya, mahirap. Nagtitinda ang mga anak ko ng kikiam, siomai, at maliit lang ang kinikita namin,” aniya.

 

Pinasalamatan naman ni Go ang mga lokal na opisyal sa lugar sa kanilang mga hakbang para matulungan ang mga residente ngayong mayroong pandemya.

 

“Kung may maitutulong pa kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, sabihan niyo kami at sa abot ng aming makakaya ay tutulungan namin kayo. Walang tulog ang aming serbisyo lalo na ngayon sa panahong pinaka-nangangailangan ang mga Pilipino,” pangako ni Go.

 

Apela ni Go sa publiko, palagiang sumunod sa health protocols, at makipagtulungan sa mga otoridad.

 

“Kailangang higpitan muna natin ulit ang mga patakaran. Maraming nagkukumpyansa masyado. Kailangan maitigil ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, lalo na sa NCR, upang hindi bumagsak ang ating health care system,” ayon kay Go, na siya ring chairman ng Senate Committee on Health.

Facebook Comments