Senator Bong Go, pinayuhan si Secretary Duque na gumawa ng supreme sacrifice

Pinayuhan ni Senator Christopher “Bong” Go si Department of Health Secretary Francisco Duque III na gumawa ng supreme sacrifice sa tamang panahon alang-alang sa mga kababayan nating Pilipino at sa harap ng mga isyung ibinabato sa DOH.

Sinabi ito ni Go sa pagdinig ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa report ng Commisison on Audit (COA) na pumupuna sa pamamahala ng DOH sa COVID response funds.

Ayon kay Go, mahal at ipinaglalaban ni Pangulong Duterte si Duque dahil nananatili ang tiwala sa kanya at nagpapasalamat sa kanyang mga nagawa para sa mga Pilipino.


Pero paliwanag ni Go, dahil sa mga isyung ibinabato kay Duque ay nakokompromiso ang resulta ng magandang trabaho nito.

“Mahal ka ng pangulo at pinaglalaban ka niya alam ko mahal mo rin ang pangulo desisyon mo na yan pagdating ng panahon but my advice is to make the supreme sacrifice alang-alang na lang sa mga kababayan nating Pilipino naawa na rin po ako kay Pangulong Duterte pinapasahan na po niya ang mundo at lahat ng problema”

Sabi naman ni Secretary Duque, handa syang magbitiw kapag nalinaw na ang mga isyung kinakaharap ng DOH.

Giit ni Duque, ginagawa nila ang lahat para pangunahan ang paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments