Senator Bong Go, pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy

Pormal nang naghain kahapon si Senate Health Committee Chairman Bong Go ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang bise presidente.

Ito ay matapos bawiin ni Pangulong Duterte ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban sa nasabing pwesto.

Kahapon ng hapon ay magkasama sina Go at Duterte sa Harbor Garden Tent ng Sofitel hotel sa Pasay upang ihain ang kanyang COC.


Matatandaang pormal na inanunsyo ng PDP-Laban Cusi wing si Go bilang standard bearer ng partido kasama si Duterte na noon ay tinanggap ang nominasyon sa posisyong bise presidente na kalaunan ay binawi ito.

Facebook Comments