Senator Bong Go, umapela sa kaniyang mga supporter na itigil na ang pangangampanya para sa kaniya

Nakiusap si Senator Christopher “Bong” Go sa kaniyang mga taga-suporta na huwag nang ituloy ang mga tarpaulin at itigil na ang pangangampanya para sa kaniya.

Umaasa si Go na maiintidihan ng kaniyang mga supporter ang paulit-ulit niyang inihahayag na pag-atras sa pagtakbo sa pagkapresidente sa 2022 elections.

Hiniling din ni Go na pamasko na sa kaniya na huwag nang matipon-tipon pa sa Commission on Elections (COMELEC) para abangan siya sa paghahain ng withdrawal ng kandidatura.


Ayon kay Go, sinabi naman ng COMELEC na hanggang May 9 ay pwedeng formally mag-withdraw sa eleksyon.

Giit ni Go, huwag na siyang pagdudahan dahil nagpapakatotoo siya sa tunay niyang saloobin at nagre-resist din talaga ang kaniyang puso at isipan sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Idiniin ni Go na ang kaniyang desisyon ay sakripisyo alang-alang sa pagkakaisa ng bayan, para sa kapakanan ni Pangulong Duterte na ayaw niyang maipit at masaktan at para sa kaniyang pamilya na tutol sa kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Facebook Comments