Senator Bong Revilla Jr., abswelto sa 16 counts ng graft kaugnay sa pork barrel fund scam

Abswelto si Senator Bong Revilla Jr., sa kasong graft kaugnay sa pork barrel scam sa Sandiganbayan.

Sa 196 pahinang desisyon ng Sandiganbayan Special First Division na pirmado ni Associate Justices Geraldine Faith Econg, Rafael Lagos at Edgardo Caldona ay napawalang sala partikular sa 16 counts ng kasong katiwalian si Revilla na may kaugnayan sa pork barrel fund scam.

Kinatigan ng korte ang inihaing “demurrer to evidence” ng kampo ni Revilla matapos mapatunayang walang sapat na ebidensya ang prosekusyon laban dito.


Samantala, ibinasura naman ng anti-graft court ang “demurrer to evidence” na inihain ng pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles dahil bukod sa walang bago ay puro rehash lamang ang mga argumento.

Nananatiling tuloy pa rin ang kaso ni Napoles kaugnay sa pork barrel fund scam.

Facebook Comments