Senator Bongbong Marcos, Nagpasalamat Sa Naging Desisyon Ng Korte Suprema – Mga Petitioner Laban Sa Marcos’ Burial, Dism

MANILA – Dismayado ang mga petitioner sa pagpabor ng Supreme Court (SC) na mabigyan ng hero’s burial si dating Pangulong Ferdinand Marcos.Sa isinagawang press conference sa quezon city, sinabi ng isa sa mga petitioner na si Aida Santos na nalulungkot sila sa naging desisyon ng SC lalo pa’t naniwala silang nagtatrabaho ito bilang isang independent body.Giit pa nito, ilang beses nang napatunayan na nagkasala si Marcos hindi lang sa mga biktima ng martial law kundi maging sa buong bansa.Samantala, sa interview ng RMN kay Senador Bam Aquino – nagpahayag din ito ng pagkadismaya sa naging ruling ng SC.Gaya naman ng mga taga-suporta ni Marcos, nagpasalamat si Senador Bongbong Marcos sa aniya’y pagkilala ng SC sa karapatan ng kanyang ama na mailibing sa libingan ng mga bayani.Aniya, mahalagang hakbang ito para simulan ang healing process partikular na sa usapin ng politika sa bansa.Habang sa interview ng RMN kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, sinabi nitong pag-uusapan na nila ng kanilang abogado ang magiging libing ng dating Pangulo.Ang magkasunod na tinig nina petitioner Aida Santos, Sen. Bam Aquino, Sen. Bongbong Marcos at Imee Marcos.

Facebook Comments