Senator Cayetano, kinumpirma na ng CA bilang bagong DFA Secretary

Manila, Philippines – Pinagtibay na ng Commission on appointments o CA plenary ang nominasyon ng kumpirmasyon ni senator Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Si Senator Panfilo Ping Lacson, bilang chairman ng CA Foreign Relations Committee ang nagsulong ng nominasyon ni Cayetano na sinegundahan naman ni Congressman Ronie Zamora at Senators Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri at JV Ejercito.

Sa kanilang sponsorship speech ay binigyang diin ang hindi matatawarang galing at karanasan ni Cayetano sa lehislasyon at pagiging public servant, gayundin ang pagiging makabayan nito at kakayahan na katawanin ang Pilipinas sa international community.


Bago ito ay dalawang minuto lang na sumalang sa confirmation hearing si Cayetano at agad itong nakalusot dahil wala ng nagtanong at walang tumutol.

Sabi ni Lacson, pinakamaikli ito sa kasaysayan ng CA.

Nagtungo din dito sa senado para magbigay ng suporta kay Cayetano si Presidential Communications and Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Samantala, maliban kay Cayetano ay kinumpirma din ng CA ang appointment naman nina Ambassador Wilfredo Cunanan Santos sa Republic of Iran, Ambassador Bernardita Leonida Catalla sa Lebanon, Ambassador Adnan Villaluna Alonto sa Saudi Arabia gayundin ang dalawang Foreign Service Officers na sina Jim Minglana at Robert Eric Borje.
DZXL558

Facebook Comments