Senator Cynthia Villar, nag-sorry at nagpaliwanag kaugnay sa kanyang pahayag ukol sa middle class

Humingi ng paumanhin si Senator Cynthia Villar sa kanyang naging pahayag sa pagdinig ng Senado na hindi dapat isama sa benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno ang mga nabibilang sa middle class dahil patuloy naman silang sumusweldo.

Ayon kay Villar, wala siyang anumang intensyon laban sa middle income workers na maituturing na sandigan ng ekonomiya at may malaking kontribusyon sa ating bansa.

Paliwanag ni Villar sa Senate hearing, nabanggit nya ang middle class sa layuning humingi ng paglilinaw ukol sa SAP funds na inilaan para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino at mga walang trabaho.


Diin ni Villar, siya ay palaging nagbibigay konsiderasyon sa kapakanan ng middle income sector.

Samantala, maglalaan naman si Senador Villar ng P500 milyon budget para sa expansion ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center na layuning maitaas sa 500 ang kasalukuyang 200 bed capacity ng pagamutan.

Ang hakbang ni Villar ay nakapaloob sa inihain niyang Senate Bill No. 143 na hangad mapalawak at mapabuti ang kakayahan ng mga public hospital at mga health facility.

Sabi ni Villar, tugon din ang kanyang panukala sa kakulangan sa hospital at Intensive Care Unit (ICU) bed lalo na ngayong nadadagdagan pa ang tinatamaan ng COVID-19.

Facebook Comments