Nananatili ang paninindigan ni Senator Leila De Lima na dapat imbestigahan ang mga isiniwalat ni Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si Bikoy.
Giit ni De Lima, mahalaga na mailantad ang katotohanan sa likod ng mga isinisiwalat ni advincula.
Binigyang diin ito ni De Lima kahit pa noong 2016 ay isinasangkot pala siya ni advincula sa operasyon ng ilegal na droga.
Base sa rebelasyon ni Senate President Tito Sotto III, nakipag-ugnayan sa tanggapan niya noong 2016 si advincula at nagbigay ng sinumpaang salaysay at mga dokumento na nagsasangkot sa ilegal drug trade kina dating Pangulong NoyNoy Aquino, executive secretary Pacquito Ochoa, DILG Sec Mar Roxas, De Lima at iba pang personalidad
Katwiran ni De Lima, sangkatutak man ang mga kasinungalingan na nagdadawit sa kanya sa illegal drug trade, ay hinding hindi nito mababago ang katotohanan na sya ay inosente.