Senator de Lima, hinikayat ang AFP na huwag sundin ang utos ni Pangulong Duterte na paghinto ng konstruksyon sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senator Leila de Lima ang Armed Forces of the Philippines o AFP na huwag sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang ating konstruksyon sa sandy cay, sandbar na malapit sa Pagasa Island.

Giit ni de Lima sa AFP, malinaw na treason o pagtatraydor sa bayan ang ginagawa ni Pangulong Duterte dahil isinuko na nito sa China ang soberenya at independence ng Pilipinas.

Paalala ni de lima sa AFP, tuparin ang tungkulin nito bilang tagapagtanggol ng bansa at ng mamamayan.


Ayon kay de Lima, dapat gamiting batayan ng mga hakbang ng Pilipinas ang desisyon ng International Arbitral Tribunal of the UNCLOS. Na pumapabor sa atin.

Pero sa kabila ng nasabing tagumpay ay patuloy aniyang umaakto si Pangulong Duterte bilang lapdog o tuta ng China.

Diin pa ni de Lima, sa deriktiba ng pangulo ay para na rin nitong sinabi sa mga sundalo na abandonahin na ang kanilang posisyon at ipaubaya na lang sa China ang inaangkin nitong teritoryo atin na laban sa intres ng sambayanan.

Facebook Comments