Senator De Lima, humiling ng isang linggong medical furlough upang sumailalim sa isang major surgery

Naghain ng petisyon ang kampo ni Senator Leila de Lima ng pansamantalang kalayaan upang sumailalim sa isang major surgery ngayong buwan.

Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, humihiling si De Lima ng isang linggong medical leave mula June 19 hanggang 25 upang ipatanggal ang bahagi ng kaniyang uterus o matris.

Kasunod na rin ito ng abiso ng mga doktor ni De Lima na sumailalim ito sa vaginal hysterectomy with anterior and posterior colporrhaphy o vaginal wall repair sa lalong madaling panahon.


Dahil dito, kakailanganin ni De Lima na manatili sa Manila Doctors Hospital sa loob ng limang araw.

Sa ngayon, pinagbigyan na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang naturang petisyon kahapon habang nakatakda pang maglabas ng desisyon ang Branch 256.

Matatandaang sumailalim din sa tatlong araw na medical furlough si De Lima sa kaparehas na ospital dahil naman sa pinaghihinalaang mild stroke.

Facebook Comments