Manila, Philippines – Ang ‘Bahay Pag-Asa’ ang nakikita ni Senator Leila de Lima na lugar para gawin ang rehabilitasyon sa mga menor de edad na sangkot sa iligal na droga.
Pahayag ito ni de Lima kasunod ng drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Navotas City nitong Miyerkules kung saan naaresto ang 28 katao kasama ang 12 menor de edad na apat hanggang kinse anyos.
Giit ni Senator de Lima PDEA, dalhin sa bahay pag-asa ang mga dinampot na menor de edad sa halip na ibalandra sila sa media.
Tiwala si de Lima na sa loob ng ‘Bahay Pag-Asa’ ay maaayos pa ang buhay ng nabanggit na mga menor de edad na nakaladkad sa masamang gawain tulad ng ilegal na droga.
Facebook Comments