Senator De Lima, inihayag ang muling pagkandidato sa pagkasenador sa 2022 elections

Inihayag ngayon ni Senator Leila de Lima na tuloy ang kanyang laban kaya kakandidato syang muling sa pagkasenador sa 2022 elections.

Ayon kay De Lima, ang political persecution na ginawa sa kanya ng administrasyong Duterte ay lalong nagpatibay para kanyang ipaglaban ang kaniyang mga adbokasiya.

Diin ni De Lima, ang walang basehan na pagbilanggo sa kanya ay higit na nagtulak sa muli niyang pagkandidato para pag-ibayuhin ang paglaban sa kawalang katarungan at pagtatangol sa karapatang pantao.


Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte ay binigyang-diin ni De Lima ang kabiguan nitong tuparin ang pangako noong panahon ng kampanya tulad ng pagresolba sa ilegal na droga, korapsyon, problema sa West Philippine Sea at sa economy bukod sa marami rin itong pagkukulang sa pagtugon sa COVID 19 pandemic.

Hinanakit ni De Lima, mahigit na apat na taon syang ipinakulong para maitago ang umano’y pagkainutil nito, bukod pa sa paghihiganti sa kanya.

Daing ni De Lima, mahigit na apat na taon ang ipinagkait kanya, sa kanyang pamilya at sa labing-apat na milyong bumoto sa kanya dahil sya ay ikinulong kahit ang tanging kasalanan nya lang ay magsalita laban sa extrajudicial killings.

Buo ang pag-asa ni De Lima na mapapatunayan din na puro huwad at gawa-gawa ang mga bintang sa kanya na ibabasura rin ng korte katulad ng pagbasura sa isa sa tatlong kasong kanyang hinaharap.

Facebook Comments