Senator De Lima, nagtatanong kung bakit siya palagi ang nasa isip ni Pangulong Duterte

Sa kaniyang social media post ay nagtatanong ngayon si Senator Leila De Lima kung bakit siya na lang palagi ang nasa utak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni De Lima makaraang sabihin ni Pangulong Duterte na isa siyang “bitch” na pinaniwala ang buong mundo na siya ay prisoner of conscience.

Ayon kay De Lima, sa harap ng kulang na kulang na COVID-19 vaccines kahit bilyun-bilyon ang inutang ay bakit siya pa ang ituturing na “bitch.”


Kinukwestyon din ni De Lima kung bakit siya pa ang pinakulong at nasa utak ng Pangulo kahit napakarami nang namamatay sa COVID-19 at extra judicial killings.

Naniniwala si De Lima na ginagamit lang siya ng Pangulo na panlihis sa mga kapalpakan nito.

Diin pa ni De Lima, gawain ito ng isang incompetent o walang kakayahan ang magbansag nang masama sa kanyang kapwa.

Facebook Comments