Senator De Lima, pinapacontempt si Francis Tolentino sa Senate Electoral Tribunal

Manila, Philippines – Hiniling ni Senator Leila De Lima sa Senate Electoral Tribunal o SET na i-cite in contempt si Presidential Political Adviser Francis Tolentino.

Nakasaad ito sa 5-pahinang motion na inihain ng abogado ni De Lima sa SET na si Atty. Teddy Rigoroso.

Basehan ng request ni De Lima ang pagtalakay ni Tolentino sa media ng merito ng election protest na inihain nito kaugnay sa nagdaang 2016 elections na ang layunin ay linlangin ang publiko at ang tribunal.


Ang tinutukoy ni De Lima ay ang pahayag ni Tolentino sa media na sa recount na ginagawa ngayon ng SET ay natuklasang may mga 2013 ballots ang nasa loob ng ballot boxes mula sa Calbayog City, Western Samar.

Binanggit din ni Tolentino sa media na may mga lugar sa Maguindanao, Basilan, at Tawi-Tawi kung saan wala siyang nakuhang boto.

Si Tolentino ay tinalo ni De Lima sa ika-12 pwesto ng 1.2 milyong boto noong nagdaang halalan.

Facebook Comments