Senator De Lima, umaasang magbabago pa ang desisyon ng mga taga-LP na huwag suportahan ang impeachment laban kay PDu30

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Leila De Lima na magbabago pa ang posisyon ng mga mirymbro ng Liberal Party o LP sa Kamara.

Kaugnay ito sa kanilang desisyon na hindi nila susuportahan ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano.

Giit ni De Lima, seryoso ang mga pinagbasehan ni Alejano sa kanyang mga reklamo laban kay Duterte kaya’t dapat lang na maiprisinta ang mga ebidensiya at marinig ang testimoniya ng mga testigo.


Paalala pa ng senadora sa mga taga-LP, utang ng mga halal na mambabatas sa mamamayan na mabigyan pagkakataon ang mga ito na makibahagi sa isang proseso na alinsunod naman sa Saligang Batas.

Binigyang diin pa ni De Lima na bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin ang paglaban sa anumang uri ng korapsyon at panggigipit ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtatanggol sa batas, kalayaan at karapatang pantao.
DZXL558

Facebook Comments