Senator Dela Rosa, dapat mag-sorry kay PBBM kaugnay sa PDEA leaks

Para kay House Assistant Majority Leader and Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, dapat humingi ng tawad si Senator Ronald dela Rosa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Mensahe ito ni Khonghun makaraang umabot na sa ikaapat ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Dela Rosa ukol sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leaks na nagsasangkot kay PBBM sa paggamit ng iligal na droga.

Malinaw para kay Khonghun na kinakaladkad lang ang malinis na pangalan ni Pangulong Marcos sa usapin ng iligal na droga na wala naman talaga siyang kinalaman.


Maliwanag naman para kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua na walang kinalaman sa lehislasyon ang PDEA leaks hearing ng Senado na layuning sirain at yurakan lamang umano ang pangalan po ng ating Pangulo.

Kaya giit ni Chua, pagsasayang lamang ng pera ng taong bayan at oras ng Senado ang nabanggit na pagdinig.

Facebook Comments