Senator Dela Rosa, nagnegatibo na sa COVID-19

Inihayag ngayon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na negatibo na siya sa COVID-19 test base sa pagsusuri noong Biyernes.

Nagpositibo si Dela Rosa sa COVID-19 noong November 21 at na-ospital hanggang December 4.

Ayon kay Dela Rosa, ngayong gumaling sya sa COVID-19 ay mas magpapakabuti pa siya at magtutuon sa spiritual life tulad ng pagtupad sa mga utos ng Panginoon.


Plano rin ni Dela Rosa na mag-donate ng convalescent plasma, katulad nina Senators Juan Miguel Zubiri at Sonny Angara.

Si Dela Rosa, gayundin sina Zubiri at Angara ay kabilang sa limang mga Senador na tinamaan ng COVID-19 at gumaling na kasama sina Senators Koko Pimentel at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Facebook Comments