Manila, Philippines – Haharangin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang 1.3 billion pesos na panukalang budget ng Bureau of Customs para sa susunod na taon.
Ito ay hanggat hindi pinipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang amendment sa administrative order number 243-A na nagpapalawak sa saklaw ng pre inspectiom ng mga shipment mula sa point of origin o pinanggalingan nito.
Sa ngayon kasi ay limitado lang ito sa bulk cargo at hindi kasama ang mga non-containerized shipment, kaya aniya nakapasok ng malaya sa bansa ang 6.4 billion peso na halaga ng shabu mula sa China.
Bunsod nito ay binigyang ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda ang BOC hanggang Lunes para klaruhin ang estado ng nabanggit na administrative order na ayon kay Drilon ay nakabinbin pa rin sa tanggapan ng Pangulo.