Senator Drilon, naniniwalang kakandidato si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo

Naniniwala si Liberal Party stalwart Senate Minority Leader Franklin Drilon na magpapasya si Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagkapangulo bago matapos ang deadline ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa October 8.

Sa palagay ni Drilon ay hindi tatalikod si Robredo sa obligasyon kaya matutuloy itong tumakbo sa pagkapresidente sa 2022 elections.

Sa tingin ni Drilon ay tatakbo si Robredo para isakatuparan ang mga bagay na napupuna nito na hindi ginagawa ng gobyerno.


Giit ni Drilon, si Robredo ang pinaka-kwalipikadong mamuno sa laban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Diin ni Drilon, ang mga nagawa ng tanggapan ni Robredo ay patunay na kayang-kaya nitong tulungan ang mga kababayan nating nangangailangan.

Facebook Comments