Senator Drilon, tinawag na malaking kalokohan at kawalan ng katwiran ang pagdawit sa kanya sa illegal drugs

Manila, Philippines – Tinawag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kalokohan at salungat sa katwiran ang pag-uugnay sa kanya sa iligal na droga.

Kung tutuusin, ayon kay Drilon, ay hindi na siya dapat pang magkomento ukol sa nabanggit na isyu.

Si Drilon, gayundin si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na parehong kasapi ng Liberal Party ay itinuro bilang protektor umano ng illegal drug trade sa Western Visayas Region.


Ang nabanggit na akusasyon ay nakapaloob sa sinumpaang salaysay ng drug syndicate bagman na si Rick Serenio.

Una ng naglabas ng pahayag ang Liberal Party at ilang mga kasapi nito na binabatikos at pinapalagan ang nabanggit na akusasyon laban kina Roxas at Drilon.

Facebook Comments