Manila, Philippines – Nanawagan si Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito sa lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga nakakakahawang sakit.
Ito ay kasunod ng measles outbreak sa ilang bahagi ng bansa na ikinasawi na ng ilang mga bata.
Binigyang-diin ni Ejercito, ang kahalagahan ng bakuna sa mga bata para mapigilang mahawa ang mga ito ng measles at iba pang communicable disease.
Ayon kay Ejercito, libre sa lahat ng barangay health center ang bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Nanawagan din si Ejercito sa medical community, kasama na ang mga medical school at ang publiko, na maglunsad ng mas malawak na kampanya hinggil sa kahalagahan ng bakuna, at impormasyon ukol sa vaccine-preventable na mga sakit.
Facebook Comments