Manila, Philippines – Naniniwala si Senator JV Ejercito na nabawasan ang kumpiyansa ng publiko sa war on drugs ng Duterte administration dahil mga drug pushers lamang ang nahuhuli o kayay napapatay ng mga awtoridad.
Giit ni Ejercito, dapat sa mga susunod na araw ay tutukan ng Philippine National Police ang pagpuntirya sa big fish sa operasyon ng iligal na droga tulad ng mga drug lords.
Ayon kay Ejercito, walang dahilan ang Pambansang Pulisya para hindi ito magawa dahil buhos naman ang suporta rito ng gobyerno.
Binanggit pa ni Ejercito na binigyan nila ng mas malaking budget ang pulisya para sa paglaban sa droga at iba pang krimen.
Ang pahayag ni Ejercito ay kasunod ng resulta ng Social Weather Station o SWS survey na nagsasabing bumaba sa 66 percent, mula sa dating 77 percent, ang satisfaction rating ng publiko sa war on drugs.