Senator Ejercito, pinayagan ng Sandiganbayang makabiyahe sa France

Manila, Philippines – Pinahintulutan ng Sandiganbayan 6th Division si Senator JV Ejercito na makabiyahe ng France pa sa isang official visit.

Pinayagang makaalis si Ejercito mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3 kung makapagsusumite siya ng travel authority mula kay Senate President Koko Pimentel III.

Sa pagdinig ng motion to travel ni Ejercito, binigyan ng diin ng kampo nito na napatunayan na hindi flight risk ang senador matapos na bumalik sa bansa sa nauna niyang biyahe.


Si Ejercito ay pupunta sa French Senate, France-Southeast Asia Inter-Parliamentary group at French Constitutional Council.

Makikipagpulong din siya sa National Assembly ng Pransya, sa French Foreign Minister at Ministry of Ecology, Sustainable Development and Energy.

Kailangang magpaalam ni Ejercito sa korte dahil may kinakaharap ito na kasong technical malversation kaugnay ng pagbili ng P2.1 milyong halaga ng baril noong siya pa ang mayor ng San Juan City government noong 2008.

Facebook Comments