Senator Ejercito, tiniyak ang pagsusulong sa nais ng mamamayan na maibalik ang death penalty

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator JV Ejercito na susundin niya ang paghahangad ng mayorya ng mga Pilipino na maibalik ang parusang kamatayan.

Ang pahayag ay ginawa ni Senator Ejercito kasunod ng survey ng Social Weather Stations na nagsasabing 60 percent ng mga Pilipino ang pabor sa death penalty.

Aminado si Senator Ejercito na lamang ngayong ang mga senador na kontra sa death penalty bill.


Pero hindi aniya sila susuko para ipaglaban ang solusyon sa matinding problema sa iligal na droga sa bansa.

Binigyang diin ni Ejercito na naging sentro na ng illegal drug trade ang Pilipinas dahil sa nahintong implementasyon ng parusang bitay.

Facebook Comments