Manila, Philippines – Umaasa si Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito na epektibong maipapatupad sa buong bansa ang Executive Order number 26 ni Pangulng Rodrigo Duterte laban na nagbabawal sa paninigarilyo sa sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Ejercito sana ay maging successful ang implementasayon nito katulad sa Davao City noong alkalde pa doon ang Pangulo.
Nanininawala si Ejercito na matutugunan nito ang datus ng Department of Health na 85 percent ng mga nagkakasakit ng lung cancer ay dahil sa paninigarilyo.
Habang base aniya da record, ay lung cancer naman ang ikatlo sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa bansa.
Bunsod nito ay iginiit ni Senator Ejercito sa DOH na paigtingin ang pagpapakalat ng impormasyon ukol sa nabanggit na executive order gamit ang TV, radio, print, social media at iba pang information drives.
DZXL558